Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si
ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!
Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis
niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto
niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding
siya...
Jorge: Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo 'yung kabayo!
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk...
Nagmamahal - Nanay
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: "for 3 years & up"!
Thursday, February 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment